^

Probinsiya

4 patay sa bakbakan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato  , Philippines  —  Tatlong teroristang New People’s Army at isang Cafgu Active Auxiliary ang napatay habang anim naman ang nasugatan makaraang sumiklab ang bakbakan sa liblib na bahagi ng Sitio Garing, Barangay Luayon sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na Cafgu na si Jolito Apala habang sugatan naman sina Edgar Delima, Oligario Rollurta, Raffy Aguanan, Jimmy Gonzaga, Jose Angcog at si Joel Daguan.

Ayon kay Lt. Col. Rhojun Rosales, commanding officer ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army, tatlong bangkay ng NPA ang narekober na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan.

Nabatid na hinaras ng mga teroristang military detachment sa Sitio Ga­ring kaya kaagad na rumes­ponde ang tropa ng militar na nauwi sa matinding bakbakan dakong alas-12:15 ng madaling araw kahapon na tumagal ng limang oras.

Ginawang human shield ng NPA ang ilang residente sa Barangay Luayon kaya nahirapan ang mga sundalo sa bakbakan.

Pansamantalang di pumasok ang mga mag-aaral ng nasabing barangay dahil sa naganap na bakbakan, ayon kay Jose Caparida, district supervisor ng Makilala Central District.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with