^

Probinsiya

Bisor inutas, 2 waiter sugatan sa 5 senglot

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Pinabulagta ang bar supervisor habang sugatan naman ang dalawang waiter matapos pagtulungang saksakin at gulpihin ng limang senglot sa loob ng Vape Bar sa Barangay Sta. Cruz sa Naga City, Camarines Sur noong Linggo ng madaling araw.

Tinangka pang isugod sa Naga City Hospital su­balit idineklarang patay ang biktimang si Jeric Recasio ng Daet, Camarines Norte habang sugatan naman sina Joshua Franco at Aladino Fernandez, kapwa nakatira sa Brgy. Mabolo at Concepcion Grande sa nasabing lungsod.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-3 ng madaling araw, pumasok sa nasabing bar ang mga suspek na sina Leo Angelo Bas, 36; Aaron Paul Bas, 36; Carlo Franco Bas, 30, mga nakatira sa Bayawas Street sa Brgy. Abella; Bonita Dela Cruz, 33, ng Brgy. San Felipe; at si Lorna Tiaba ng Brgy. Peñafrancia.

Gayunman, nang umorder ng inuming alak ay hindi na pinagbigyan dahil sa bar regulation kaya nagwala ang mga suspek at pinagsasakal at pinagsasaksak ang mga waiter.

Nakorner naman si Recasio sa palikuran saka pinagtulungang gulpihin at saksakin ng mga suspek na lango sa alak.

Naaresto ang dalawang suspek na sina Leo Angelo Bas at Carlo Franco Bas habang patuloy na tinutugis ng pulisya ang tatlong suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with