^

Probinsiya

Drug suspek salpok sa poste, tigok

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang umano’y high value target ng mga otoridad matapos sumalpok sa isang kongkretong poste ang minamaneho nitong motorsiklo habang tinatakasan ang humahabol sa kanyang police mobile sa Barangay Calayan, Gonzaga, Cagayan noong Sabado. ?Kinilala ni Chief Insp. Edgar Manuel, hepe ng PNP Gonzaga ang natigok na si Louie Tolentino, 32, isang mekaniko at residente ng Brgy. Ipil. ?Ayon sa report, iniwasan ni Tolentino ang checkpoint na inilagay ng mga pulis bilang tugon sa isang insidente ng indiscriminate firing.? Isinugod ng mga sumaklolo si Tolentino sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital kung saan siya idineklarang patay habang nakatakas ang hindi nakilala nitong ang­kas. Wala namang nakitang baril o droga ang mga imbestigador sa katawan ng biktima.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with