^

Probinsiya

2 tinedyer timbog sa P.3-M shabu

Jennifer P. Rendon - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang menor-de-edad ang inaresto ng mga otoridad matapos silang makumpiskahan ng 110 sachet ng pinaghihinalaang shabu makaraang isina­gawa ang isang buy-bust ope­ration laban sa kanila, sa Arevalo, Iloilo City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nadakip na suspek na kapwa 17-anyos ay itinago na lamang sa pangalang ‘Angel’ at ‘Jepoy’, residente ng Project 5, Barangay Sooc.

Ayon kay Senior Inspector Kenneth Bermejo ng PNP Regional Drug Enforcement Unit, matagal na umanong under surveillance ang dalawang minor.

Isang ‘di pinangalanang ‘tulak’ din ng droga na umano’y sa mga suspek siya kumuha ng shabu ang nagturo sa mga otoridad dahilan upang ikasa ang isang drug bust operation at madakip ang mga suspek.

Nabatid na ang ama ni Angel ay isang pulis na nakatalaga sa Iloilo City Police Station 1, na magreretiro na sa Pebrero ng taong ito, ngunit itinanggi nito na may kinalaman siya sa kinasasangkutan ng kanyang anak.

Nasamsam mula sa dalawang minor na suspek ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P250,000 hanggang P300,000, P15,000 marked money, isang cellphone, at iba’t-ibang uri ng drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with