^

Probinsiya

Encounter: 7 sundalo sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ang mga pinaghihinalaang stragglers ng Maute terrorist sa bayan ng Masiu, Lanao del Sur nitong Sabado.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., Deputy Commander ng Joint Task Force (JTF) Ranao dakong alas-2:00 ng madaling araw nang makasagupa ng tropa ng militar ang nalalabing Maute terrorists na nagtatago sa lugar.

Sinabi ni Brawner na ang bakbakan ay sumiklab kaugnay ng patuloy na pagtugis ng mga sundalo sa Maute terrorists na tumakas noon sa Main Battle Area (MBA) sa lungsod ng Marawi.

Sa nasabing engkuwentro ay nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasugat ng anim na sundalo.

Nabatid na ang bayan ng Masiu ay nasa 54 kilometro lamang ang layo sa Lanao Lake na kabilang sa pinagtayuan ng satellite camp ng mga terorista sa kasagsagan ng Marawi City siege.

Nagpapatuloy naman ang pinaigting na opensiba ng tropa ng mga sundalo laban sa Maute stragglers at iba pang grupong banta sa pambansang seguridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with