^

Probinsiya

2 Indonesian na bihag ng Sayyaf pinalaya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang tripulanteng Indonesian na bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang pinalaya nitong Biyernes ng gabi sa isang liblib na lugar sa Sulu.

Kinilala ang mga pina­kawalang hostage na sina La Utu bin La Raali at La Hadi La Edi.

Sa ulat ni Sulu Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mario Buyucan, dakong alas-7:30 ng gabi nang palayain ng mga kidnappers ang dalawang dayuhan.

Ang mga hostages ay itinurn-over ng mga emi­saryo sa tahanan ni dating Sulu Gov. Abdusakur “Sakur’ Tan Sr. sa Brgy. Asturias, Jolo ng lalawigan.

Nang matanggap ang impormasyon ay agad naman itong sinundo ng tropa ng militar sa pangunguna ni Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana.

Nabatid na ang mga biktima ay kabilang sa mga tripulanteng binihag ng mga bandido matapos na hara­ngin ang M/V Ching Kai Ling fishing vessel noong Nob­yembre 5, 2016 sa pagitan ng karagatan ng Pegasus Reef at Kuala Kinataba­ngan malapit sa Taganak Island sa Tawi-Tawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with