^

Probinsiya

P1-M reward vs killer ng mister ng governor

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

PALAYAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nag-alok ng isang mil­yong pisong pabuya si Governor Czarina “Cherry” D. Umali sa sinumang makapagtuturo sa riding-in-tandem na suspek sa pamamaril at pagpatay kay Mary Ann Hernandez at pagkakasugat sa kanyang asawa na si Carlito Hernandez.

Sinabi ni Gov. Umali na nakahanda niyang ibigay ang nasabing halaga sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek.

Sinariwa ng gobernadora na ang biktimang si Meanne ay hindi lamang isang karaniwang katrabaho, kundi bahagi na rin ng kanilang pamilya. “Hindi kami titigil hangga’t hindi namin nakakamit ang katarungan sa marahas na pagpaslang sa kanya noong Linggo ng gabi sa Shell Gas Station sa Barangay Marcos, Talavera, Nueva Ecija.

“Ako po ay magbibigay ng karagdagang isang milyong piso sa sinumang makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon para mapanagot ang mga suspek at kung sino ang nasa likod ng pagpaslang kay Meanne,” sabi ni Gov. Cherry.

Dahil dito, umakyat na sa P1.2-M ang pabuya na naghihintay sa sinumang makakapagturo sa awtoridad ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Nauna nang nag-alok ng pabuyang P200,000 si Tala­vera Mayor Nerivi Martinez para sa napaslang na kababayan nitong si Hernandez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with