^

Probinsiya

Motorbike salpok sa puno: 17-anyos rider, angkas patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan ng rider na binatilyo at angkas nito matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa puno ng sampalok sa kahabaan ng Barangay Road, Zone-6, Brgy. Sto. Domingo sa bayan ng Bula, Camarines Sur noong Huwebes ng madaling araw.

Sinubukan pang isugod sa Bula Rural Health Unit pero kapwa idineklarang patay ang mga biktimang sina Dominic Gastilo Guarnes, 17 anyos at Christian Lomeda, 24, residente ng Sitio Tagongtong, Ombao Heights.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong ala-1 ng madaling araw, mabilis na binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni Guarnes ang kahabaan ng kalye nang mawalan nang kontrol sa palikong bahagi ng kalsada at bumangga sa puno ng sampalok. Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon pa ang mga biktima ng ilang metro.

Pinaniniwalaang inantok ang driver ng motorsiklo dahilan para hindi nito napansin ang pakurbang daan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with