^

Probinsiya

2 parak nagsilbi ng warrant, sugatan sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang nasugatan matapos na manlaban at makipagbarilan ang isang mister na wanted sa kasong pagpatay habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya na nagawa pa nitong ihostage ang sariling misis sa Brgy. Napsan, Puerto Princesa City, Palawan nitong Biyernes ng umaga.

Kapwa isinugod sa Palawan Adventist Hospital ng nagrespondeng ambulansya ang mga nasugatang parak na sina SPO2 Habil Insail at PO1 Jasper Ian Cacho; pawang aktibong kasapi ng City Mobile Force Company.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) IV-B Spokesperson P/Supt. Imelda Tolentino, dakong alas-6 ng umaga bitbit ng dalawang pulis kasama ang mga elemento ng 3rd Marine Brigade ang warrant of arrest at nagtungo sa Sitio Pagasa, Brgy. Napsan ng lungsod upang isilbi ito sa suspek na si Fernan Ramsa, 56 anyos,  wanted sa kasong murder .

Gayunman, nang matanawan ng suspek na paparating na ang mga pulis ay agad nitong hinostage ang kanyang misis na ginamit na pananggalang sa mga awtoridad at saka pinaputukan ang arresting team.

Nasugatan sa insidente ang dalawang pulis habang mabilis namang nagtatakbo patakas ang suspek na nasugatan sa paa sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa nakatakas na suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with