^

Probinsiya

Granada pinaglaruan, sumabog: 10 bata sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sampung bata ang nasugatan makaraang aksidenteng masabugan ng 40 mm rifle grenade projectile na kanilang napulot at pag­laruan sa isang palayan sa bayan ng Parang, Sulu kamakalawa.

Base sa report ni Chief Supt. Graciano Mijares, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police, naganap ang insidente sa isang liblib na lugar sa Brgy. Canaway ng bayang ito dakong alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ang nasabing rifle grenade projectile, napulot ng isa sa mga biktima sa isang palayan.

 Ang mga biktima, nagkaka-edad mula 10-anyos pababa na ang pinakabata ay 3-taong gulang.

Sinasabing dinala ng batang nakapulot ang rifle grenade projectile sa kanyang mga kalaro at dito na nila ito pinaglaruan na inihahagis na parang bola at sinasalo.

Gayunman, biglang su­mambulat ang eksplosibo na malubhang ikinasugat ng mga biktima na  mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Ang kasong ito ay patu­loy na iniimbestigahan ng mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with