2 drug suspek tiklo sa buy-bust
QUEZON , Philippines — Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang dalawang hinihinalang tulak-droga makaraang makumpiskahan ng shabu at baril sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya sa Barangay Concepcion Pinagbakuran sa bayan ng Sariaya, Quezon kahapon ng madaling araw Nakapiit na ngayon sa municipal jail ang mga suspek na sina Elpidio Malarasta, 50, may asawa; at Mark Rainer Opena, 29, negosyante, kapwa residente ng nasabing barangay.
Ayon kay P/Senior Supt. Roderick Armamento, Quezon police director isinagawa ng tropa ni P/Chief Insp. John Eric Antonio ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-4:15 ng madaling araw. Nasamsam ang 16 plastic sachet na shabu, cal. 38 revolver na may anim na bala, ilang drug paraphernalia, P500 marked money at tatlong motorsiklo na pinaniniwalaang nakaw.
- Latest