^

Probinsiya

Abu terrorist, sakote

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang 45-anyos na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnap-for-ransom sa isinagawang police operation sa Plaza Pershing, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang nasakoteng terorista na si Puyat Saiyadi na may mga alyas Abubakar Diniri, Isikandar Saiyadi, at Alyas Puyat Talib Saiyadi ng Pata Island, Jolo, Sulu.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas -10 ng umaga nang  masakote ng mga operatiba ng Intelligence Section ng Zamboanga City Police Station 4 ang suspek na gumagala sa nasabing plaza.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping with serious Illegal detention  na inisyu ni Judge Leo Jay Principe ng Regional Trial Court (RTC) Branch 1 sa Isabela, Basilan.

Base sa tala ng pulisya, ang suspek  ay sangkot sa pagdukot sa sampung manggagawa ng Golden  Harvest Plantation sa Tairan, Lantawan, Basilan noong Hulyo 11, 2001.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with