^

Probinsiya

Police chief tiklo sa kotong sa peryahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak-kalaboso ang hepe ng pulisya makaraang masakote ng mga tauhan ng PNP-Counter Intelligence Task Force kaugnay sa pangongotong sa peryahan sa isinagawang entrapment operation sa bayan ng Sasmuan, Pampanga noong Martes ng gabi.

Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, ang suspek na si P/Chief Insp. Romeo Bulanadi, hepe ng Sasmuan police station na nasakote bandang alas-7:15 ng gabi.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang PNP-CITF kaugnay sa pangongotong ni Bulanadi ng P30,000 kada buwan sa operator ng peryahan sa nasabing bayan.

Ang nasabing P30,000 ay bilang ‘protection money’ ng operator sa Sasmuan Police kapalit ng hindi pagkumpiska ng mga gamit at magpatuloy ang operasyon ng peryahan.

Matapos mapatunayan positibo ang impormasyon ay agad namang ikinasa ang entrapment operation laban kay Bulanadi.

Inaresto ng PNP-CITF operatives si P/Chief Insp. Bulanadi sa aktong tinatanggap ang P30,000 cash mula sa operator ng peryahan na lingid sa kaala­man nito ay isinuplong na ang kaniyang pango­ngotong.

Kaugnay nito, dinala na sa tanggapan ng PNP-CITF sa Camp Crame ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal at admi­nistratibo.

Sinabi naman ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Amador Corpus na magpapatuloy ang paglilinis sa hanay ng mga bugok na itlog sa PNP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with