^

Probinsiya

3 bangkay ng mangingisda, natagpuan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Tatlong hindi pa kilalang ma­ngingisda ang natagpuang lumulutang sa karagatang sakop ng Sitio Maslog-Macurag sa Brgy. Agay-ayan sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur noong Lunes ng hapon. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-5:35 ng hapon nang matagpuan ng mga mangingisda ang tatlong bangkay ng lalaki na palutang-lutang sa dagat. Kaagad na rumesponde ang mga pulis, coast guard at BFP rescue team kung saan nasa dalampasigan na ang mga biktima. Pinaniniwalaang bahagi pa ang tatlong mangi­ngisda sa mga nawala at pinaniniwalaang nalunod noong nakalipas na linggo dahil sa sama ng panahon sa Bicol. Sa pagtatanong ng mga pulis, walang nakakakilalang residente sa mga bangkay kung saan pinaniniwalaang taga-ibang lugar ang mga biktima at napadpad lang sa nasabing barangay dahil sa lakas ng alon at hangin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with