^

Probinsiya

Lover sinilaban ng ka-live-in

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN , Philippines  —  Nakikipaglaban kay kamatayan ang 29-anyos na lalaki makaraang buhusan ng gasoline saka sinilaban ng kanyang  ka-live-in sa Sitio Mautot Barangay Palili, bayan ng Samal, Bataan noong Lunes ng hapon.

Nagtamo ng 1st degree burn na naisiugod sa Bataan General Hospital ang biktimang si Herminio Tana Jr. y Estrella habang naaresto naman ang kanyang ka-live-in na si Mylene Inocencio, 31, mga nakatira sa nasabing barangay.

Base sa police report, natutulog ang biktima nang pumasok ang kanyang ka-live-in sa kanilang silid.

Sa hindi nabatid na dahilan ay binuhusan gamit ang gasolina ang naghihilik na biktima saka sinindihan ng suspek.

Gayunman, nagising at nagpapalahaw ang biktimang nagliliyab ang buong katawan kaya mabilis na rumes­ponde ang mga kapitbahay nito saka inapula ang apoy.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nadakip ang suspek saka kinasuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with