^

Probinsiya

Mag-asawa, 2 anak utas sa landslide

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at dalawang anak nila makaraang matabunan ng gumuhong lupa  ang kanilang bahay sa Barangay Tandik, bayan ng Maragusan, Compostela Valley kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga namatay ay ang mag-asawang Ramon Magallanes, 29; at Rowena Magallanes, 30; mga anak na sina Hazel Magallanes, 3; at Joey Magallanes, 1.

Sa impormasyong nakalap sa Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRM) Compostela Valley, naganap ang landslide dakong alas-8:30 ng gabi.

Sa isinagawang rescue operation ay narekober ang bangkay ng mga biktima matapos ang dalawang oras

Maliban sa naganap na landslide, binaha rin ang mga Barangay Basak, Barangay Magading, Barangay Magsaysay, at ang Barangay New Dauis sa bayan ng Maragusan, Compostela Valley Province.

Dahil sa nasabing landslide at pagbaha inilikas patungo sa mga evacua­tion centers ang mga pamilya kung saan kaagad namang binigyan ng relief goods mula sa local Municipal Disaster Risk Reduction Management program.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with