State of calamity sa Albay dahil sa pag-alburoto ng Mayon
MANILA, Philippines — Isinailalim na sa “state of calamity” ngayong Martes ang lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkyang Mayon.
Inaprubahan ng provincial board ang kahilingan ni Gov. Al Francis Bichara na magdeklara ng state of calamity.
Nakiusap din si Bichara sa gobyerno at sa pribadong sektor na tulungan silang mailikas ang mga residente.
Umabot nasa 5,318 na pamilya o 21,823 na katao ang lumikas mula kagabi dahil sa “lava fountain” ng Mayon, ayon sa National Disaster Risk and Reduction Management Council.
Nitong kamakalawa lamang ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert status sa level 3 dahil sa “relatively high unrest and that magma is at the center.”
- Latest