^

Probinsiya

Van vs kuliglig: 1 utas, 3 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isa ang namatay habang tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng Starex van ang likurang bahagi ng kuliglig tractor sa bisinidad ng Barangay Agbannawag, Tabuk City, Kalinga kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Madeline Baggas habang isinugod naman sa Kalinga Provincial Hospital ang mga sugatang biktima na sina Cornelio Dangoy Viloria, Rita Baggas, at ang operator na si Abiso Baggas, 55.? Lumalabas sa imbestigasyon na nabigong makita ng 33-anyos na drayber ng van (BDJ 251) na si Symble Lambayong ang sinusundang kuliglig dahil sa madilim na kapaligiran kaya nito natumbok ang mga biktima. ?Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon at nagpagulung-gulong ang mga biktima habang sumuko naman sa mga pulis si Lambayong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with