^

Probinsiya

Mister dinedo sa bahay ng vice mayor

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tinigok ang 25-anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng isang kawani ng munisipyo at alalay nito habang nag-iinuman sa sinasabing bahay ng kanilang vice mayor sa liblib na bayan ng Divilacan, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ni PO3 Juluis Baribad ang napatay na si Noel Atiga na dumayo pa mula sa bayan ng Maconacon, Isabela habang pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Marvin Avenilla 23, kawani ng munisipyo; at Benjamin Alvarez, 56, tumatayong alalay ni Avenilla. ?Pinaniniwalaang nag-ugat ang pamamaril ng mga suspek at biktima na pawang lango na sa alak sa mainitang pagtatalo tungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Gayunman, nairita ang dalawa sa tinuran ng biktima kaya ito niratrat hanggang sa mapatay ng dalawa. Tumakas ang dalawa habang wala pang pahayag si Vice Mayor Alfredo Custodio tungkol sa naganap na pamamaslang sa kanyang poder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with