^

Probinsiya

Arms cache sa kuta ng NPA, nasamsam

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Nakarekober ang tropa ng pamahalaan ng mga baril at bigas sa kuta ng mga teroristang New People’s Army (NPA) habang isinasagawa ang clearing operation sa liblib na bahagi ng Barangay Jungo sa bayan ng Lopez, Quezon, kahapon ng umaga. Sa ulat ni Col. Elias Escarcha, kumander ng 201st Infantry Battalion ng Phil. Army, nagsasagawa ng security combat patrol ang tropa ng Charlie company ng 85th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1Lt. Bobis nang madiskubre ang maliit na kuta ng NPA. Agad na umalingawngaw ang putukan at tumagal ng 15-minuto hanggang tumakas patungo sa kabundukan ang mga teroristang NPA. Sa clearing operation ay nakakuha ang militar ng dalawang M16 Armalite rifle, M203 greande launcher, at mga bigas. May mga patak din ng dugo na hinihinalang nagmula sa mga nasugatang NPA terrorists.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with