Veterinarian hinoldap, ginulpi
QUEZON, Philippines —Dobleng kamalasan ang sinapit ng 32-anyos na veterinarian na sinasabing hinoldap na ay ginulpi pa ng notoryus na holdaper sa Barangay Tinamnan sa bayan ng Lucban, Quezon kamakalawa ng gabi.
Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Alejandro Onquit, chief of police, naglalakad sa pathway patungo sa kanilang bahay sa Miramonte Subdivision ang biktimang si Ma.Cristina Abaricia nang sundan ng hindi kilalang lalaki.
Tinutukan ng patalim sa leeg ang biktima saka tinakpan ang bibig subalit nagsisigaw ito kaya siya itinulak saka pinagsusuntok sa tiyan.
Habang namimilipit sa sakit ang biktima ay sinamantala ng suspek na tangayin ang shoulder bag na may P5,000 cash, 2 cell phone at ilang ATM card.
Sa pamamagitan ng rogues gallery sa himpilan ng pulisya ay kinilala ng veterinarian ang suspek na si Mel Diaz na ayon kay P/Chief Insp. Onquit ay kilabot na holdaper at matagal na nilang tinutugis ito.
- Latest