^

Probinsiya

Ambush: Kalihim ng governor todas, mister sugatan

Pilipino Star Ngayon
Ambush: Kalihim ng governor todas, mister sugatan

Mag-asawang Mary Anne at Carlito Hernandez

NUEVA ECIJA, Philippines — Na­paslang ang 38-anyos na kalihim ni Nueva Ecija Governor Czarina “Cherry” Umali habang sugatan naman ang kanyang mister makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa gasolinahan sa Barangay Marcos, bayan ng Talavera, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Mary Anne Hernandez y Guevarra, nakatira sa Zone 6, Barangay Pag-asa sa nasabing bayan at personal secretary ni Gov. Cherry Umali.

Ginagamot naman sa hindi tinukoy na pagamutan ang negosyanteng mister ni Mary Anne na si Carlito Hernandez y Domingo, 43.

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Eliseo Tanding, Nueva Ecija police provincial director, nabatid na bandang alas-6:30 ng gabi ay magkasama sa SUV (DOJ826) ang mag-asawa habang nagpapagasolina nang lapitan at ratratin ng tandem gunmen.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol si Mary Anne habang tinamaan din ang mister nito habang masuwerte namang nakaligtas ang kanilang dalawang anak at kasambahay na nakaupo sa hulihan ng sasakyan.

Nangangalap ng footages sa mga closed-circuit television (CCTV) camera sa kahabaan ng Maharlika Highway at mga kalapit na barangay na sinasabing dinaanan ng mag-asawa upang makatulong sa pag­lutas sa kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with