^

Probinsiya

15-anyos totoy kisay sa kuryente

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON  , Philippines  —  Maagang sinalubong ni kamatayan ang 15-anyos na totoy makaraang matapakan ang talop na kable ng kuryente sa madamong bahagi sa Sitio Daungan Pari, Barangay Binahaan sa bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Rizaldy Merene, chief of police, kinilala ang biktima na si Bel Christian Panaligan, Grade 9 at residente ng nasabing barangay. Base sa imbestigasyon, nakayapak na naglalakad ang biktima sa damuhan nang maapakan nito ang talop na secondary wire ng kuryente na nakasalampak. Kaagad na nagkikisay ang biktima dahil sa malakas na boltahe ng kuryenteng pumasok sa kanyang katawan. Pinag-aaralan na ng mga kaanak ng biktima kung sasampahan ng kaukulang kaso ang kompanya dahil sa kapabayaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with