PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 van nagsalpukan: 8 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Walong katao ang sugatan kasunod ng salpukan ng dalawang van sa highway ng Brgy. Roma Norte, Enrile, Cagayan noong Huwebes ng umaga. 
Sa report na nakarating kay Chief Insp. Edwin Aragon, hepe ng Enrile Police, ang Toyota Grandia van na minamaneho ni Perfecto Flores, 49, ang bumangga sa kasalubong na KIA Besta na hawak ni Armando Bartolome, 57.
Kasama ni Bartolome na isinugod sa Cagayan Valley Medical Center dito sina Benjamin Bartolome, 55; Jake Licudin, 26; Jordan Canao, 23; Christian Daus, 22; Chadwick Licudini, 24; Orlando Licudini, 27, at Rex Yayaen, 26, na mga taga Brgy. Calaccad, Tabuk, Kalinga.
Dinakip ng mga nagrespondeng pulis ang drayber ng Grandia van na kasama ng KIA Besta na nagtamo ng malalang pagkawasak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: