^

Probinsiya

Magsasaka dinedo dahil walang mapulutan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kamatayan ang sinapit  ng  40-anyos na magsasaka na nakipag-inuman matapos itong saksakin ng kaibigang barangay tanod dahil sa kawalan nang mapulutan sa Barangay Villa, bayan ng Sta. Teresita, Cagayan kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Aleeh Bacuyag, hepe ng Sta. Teresita police station, natagpuang naliligo sa sariling dugo ang biktimang si Melchor Bilag na dumayong makipag-inuman mula sa Barangay Dungeg sa bahay ng suspek na si Jorly Asuncion, 45.? Lumalabas sa imbestigasyon na bumili pa ng alak at itinuloy ng dalawa ang inuman matapos magsipag-uwian na ang iba nilang katropa dakong alas-8 ng gabi.? Gayunman, sumiklab ang pagtatalo ng dalawa dahil walang may gustong umiskor ng pulutan na nauwi sa pananaksak ni Asuncion kay Bilag na napuruhan sa dibdib.? Maluha-luhang sumuko si Asuncion kay Bacuyag dala ang ginamit na patalim sa pagpatay at inaming nagawa ang krimen dahil sa sobrang kalasingan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with