^

Probinsiya

Ama inutas sa harap ng anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang 35- anyos na habal-habal driver matapos itong pagbabarilin ng tatlong gunmen sa harap mismo ng kanyang anak na totoy sa harap ng kanilang bahay sa Sitio Rabas, Barangay Cavitan sa bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi. Namatay noon din sa mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Reynante Abejo habang natulala sa takot ang 8-anyos na anak na totoy. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-10: 35 ng gabi, lumabas ng bahay ang mag-ama para umihi sa labas ng kanilang bahay. Gayunman, habang umiihi ay nilapitan ng tatlong di kilalang lalaki ang biktima saka pinutukan ng ilang ulit. Sinigawan ng gunmen ang bata na patayin ang hawak na flashlight kung saan tumakas ang tatlong lalaki patungo sa madilim na bahagi ng barangay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with