^

Probinsiya

2 tigok, 4 sugatan sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sinundan ng dalawa sa kabilang buhay ang kalilibing nilang kaanak makaraang masangkot sa aksidente ang sinasakyan nilang Ford Everest SUV kung saan apat ang nasu­gatan sa Barangay Magapit, bayan ng Lal-lo, Cagayan kamakalawa.

Ayon kay PO2 Allen Olivas, patungo sa bayan ng Gonzaga mula sa Gattaran ang mga biktima upang dumalo sa tradisiyonal na “gugu” ng mga Ilokano o ang pagligo sa ilog ng kaanak ng kalilibing na namatay nang maganap ang trahedya dakong alas-10:30 ng umaga.?

Sinasabing nawalan ng kontrol ang drayber ng SUV na si Denissa Garo makaraang mag-overtake sa isa pang sasakyan kaya ito dumausdos sa gilid ng highway. ?

Namatay sina Rachelle Araja, 52; at Guillermo Fermin, 60, habang sugatang naisugod sa ospital sina Denissa, 24; Dyna Garo, 51; Regina Fermin, 54; at si Diana Garo, 27.?

Sa ngayon ay muli na naman nagsasagawa ng burol ang mga kaanak ng mga biktima na hindi pa nakakabawi sa puyat ng lamayan kasunod ng sinapit na trahedya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with