PANOORIN: Bagahe ng OFW ninakawan ng tauhan ng Clark Airport
MANILA, Philippines – Anim na tauhan ng Clark International Airport sa Pampanga ang sinuspinde dahil sa umano’y pagnanakaw sa bagahe ng isang overseas Filpino worker.
Sinabi ni CIAC Acting President at CEO Alexander Cauguiran na naka preventive suspension ang anim na empleyado ng Miascor matapos mag-viral ang video ng biktimang si Jovenil Delacruz ng Bulacan.
Ang kompanyang Miascor ang may hawak sa mga taong nag-aasikaso ng bagahe ng mga pasahero.
"I will also recommend to Miascor the termination from employment of these suspects," pahayag ni Cauguiran.
Ayon sa biktima, dumating sila sa bansa noong Disyembre 23 ngunit hindi nila kasabay ang kanilang mga bagahe.
Disyembre 24 dumating ang mga bagahe ngunit nitong Miyerkules lamang sila pinabalik.
Binayaran na naman ng Miascor si Dela Cruz ng P84,000.
- Latest