5 arestado sa pot session
DASMARINAS CITY, Cavite , Philippines — Lima-katao ang nasakote ng mga awtoridad makaraang maaktuhan sa pot session sa sinalakay na bahay na sinasabing ginawang drug den sa Barangay Sta. Isabel, bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Roelen Encarnacion, Wynchelle Tabanan, 27, ng Barangay San Jose 2, Noveleta, Cavite; Roel Encarnacion, 55, retired US Navy; Jomel Monzon, 55, trader; at si Guillermo Ayson, 54, mga nakatira sa nabanggit na barangay.
Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakatanggap ng imporsmyon ang pulisya kaugnay sa nagaganap na pot session sa bahay ni Roelen. Dito na sinalakay ng mga operatgiba ng puliusya ang nasabing lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek sa pot session.
Nasamsam sa bahay ni Roelen ang apat na plastic sachet na shabu, dalawa pang sachet na walang laman, aluminum foil, dalawang disposable lighter at mga drug paraphernalia.
- Latest