Bomb maker ng Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga City
MANILA, Philippines — Isang pinaniniwalaang bomb maker ng Abu Sayyaf ang nasakote sa isang raid sa Zamboanga City nitong kamakalawa ng gabi.
Nasakote si Benjar Idarus Engeng, alyas Ben Akmad, sa isang pension house sa Barangay Putik bandang 10:30 ng gabi.
Nadakip si Engeng ng pinagsamang pwersa ng Zamboanga City police, regional police, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Philippine Center for Transnational Crime at 84th Special Action Company.
Nabawi rin mula sa suspek ang isang improvised explosive device (IED).
“The type of the IED shows the expertise of this person…he has a lot of experience,” wika ni Senior Superintendent Vince Neri Ignacio, hepe ng Zamboanga City police.
Samantala, sinabi ni Engeng na replica lamang ng IED ang nakuha sa kaniya ng mga awtoridad at hindi ito sumasabog.
Aniya, ang kasamahan niya umanong nakilala lamang sa pangalang Amilhasan ang may ari ng replica ng IED.
Pinabulaanan din niya na miyembro siya ng Abu Sayyaf habang inamin naman niyang dati siyang kasapi ng Moro National Liberation Front.
- Latest