Pulis nilikida ng tandem
MANILA, Philippines — Patay ang 39-anyos na pulis matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Veterans Avenue, Barangay Sta Cruz sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng tanghali. Sampung bala sa katawan at idineklarang patay sa Zamboanga City Medical Center ang biktimang si PO3 Michael Tan ng Paniran Re-Settlement, Zone IV sa nasabing lungsod. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Helen Galvez, spokesperson ng PRO 9, ang bitkima ay nakatalaga bilang warrant server ng Zamboanga City Police Station 7 at dating miyembro ng Station Drug Enforcement Team (SDET). Base sa police report, pauwi na sa Barangay Tumaga ang biktimang nagmomotorsiklo nang pagbabarilin ng tandem pagsapit sa Veterans Avenue, Barangay Sta. Cruz. Bumulagta ang biktima kung saan nilapitan pa ng gunmen saka muling pinagbabaril.
- Latest