^

Probinsiya

Misis inutas ng pinsan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahilan sa simpleng alitan sa kanilang mga anak ay napatay ang 46-anyos na misis matapos itong pagbabarilin ng kanyang pinsang lalaki sa Barangay Bantay, bayan ng Paracelis, Mountain Province kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Marcelita Luppit Balanao habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Pablo “Bungol” Purisima Balanao Jr. na kapitbahay ng pamilya ng biktima. Sa ulat ng Cordillera Police na naisumite sa Camp Crame, magkasamang nanonood ng telebisyon ang biktima at ang kanyang mister at mga anak sa kanilang bahay nang pasukin ng suspek. Armado ng cal. 22 pistol ay agad na pinagbabaril ng suspek ang kanyang pinsan sa harapan ng mister at mga anak na nagulantang sa nasaksihang krimen. Nagawa pang maisugod sa Paracelis District Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktima. Patuloy naman ang manhunt operations ng pulisya laban sa suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with