^

Probinsiya

Mag-ama grinipuhan ng senglot

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ang mag-ama matapos na gripuhan ng 18-anyos na senglot sa naganap na rambulan na nag ugat sa pagtawag ng pansin sa kaakit akit na serbidora ng pansitan sa Barangay Annafunan East sa Tuguegarao City, Cagayan noong Linggo ng hapon. ?Isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang mag-amang sina Joey Natividad, 37; at John Mar Natividad, 17, matapos saksakin ng suspek na ni Marino Cuntapay Jr. ng Barangay Caritan Norte. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City police station; nauwi sa rambulan ang laklakan ng dalawang grupo dahil sa masamang pagtititigan habang tinatawag ang  serbidora sa Jeng’s Panciteria.?Nadakip naman ng mga pulis ang suspek matapos ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with