^

Probinsiya

3 tiklo, 7 nasagip sa sex den

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Arestado ang tatlo-katao habang pitong kababaihan ang nasagip ng mga operatiba ng pulisya sa sinalakay na motel na ginawang prostitution den sa Barangay Pengue-Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan noong Linggo.?

Ayon kay P/Supt. Edward Guzman, hepe ng Tugue­garao City police station, ang mga babae na may edad 25 subalit karamihan ay nasa 40 hanggang 54-anyos ay nasagip sa mga silid ng Meca’s Inn dakong alas-11 bago maghatinggabi matapos magpanggap na kustomer ang ilang matitipunong pulis.?

Nadakip matapos tanggapin ang tig P1,000 entrapment money mula sa mga pulis ang may-ari ng motel na si Emerito Lañojan, 40; at mga bugaw na sina Rolly Fajardo, 33; at Erica Joy Montegrico, 29.?

Ayon kay Guzman, nagmula ang mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw sa Cagayan de Oro City, Sorsogon hanggang sa bayan ng Lasam sa Cagayan at sa nasabing lungsod.

Dahil sa dilim ng silid sa motel ay hindi na nababatid ng mga parukyano ng sex den ang tunay na edad ng mga babae lalo’t senglot pa ang mga ito.?

Nabatid na iniutos ni Guzman ang operasyon laban sa sex den matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga parukyano na nahawaan ng sexually transmitted disease (STD).

Isinailalim ng pulisya ang kustodiya ng mga nasagip na babae sa pamamahala ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with