^

Probinsiya

Pulis pumalag sa aresto, inutas ng sikyu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis pumalag sa aresto, inutas ng sikyu

MANILA, Philippines — Bulagta ang 36-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng security guard na kanyang nakaalitan sa beach resort sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si PO2 Britches Talapiero ng Bacolod City Police Office Station 5 at naninirahan sa Barangay Granada sa Bacolod City.

Boluntaryo namang su­muko ang suspek na si Joey Belinario, security guard sa Canonoy Beach Resort sa Barangay Miranda sa nabanggit na bayan.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, su­miklab ang komosyon sa pagitan ng grupo ng naka­babatang kapatid ni PO2 Talapiero at Leslie John Dojillo na nagkahabulan pa.

Bunga nito ay nabaril naman ng nasabing pulis si Do­jillo ng dalawang beses kung saan hinabol naman ito ng mga rumespondeng security guard sa nasabing beach resort.

Gayunman, nang tangkain ng suspek na arestuhin si PO2 Talapiero ay tinangka umano nitong kunin ang baril.

Dito na pinagbabarilin ng suspek ang likurang bahagi ng pulis gamit ang 12 gauge shotgun.

Isinugod naman sa Hinigaran Medical Clinic ang biktima subalit idineklarang patay.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang guwardiya na humihimas na ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

JOEY BELINARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with