^

Probinsiya

Motor salpok sa buhangin: Driver utas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite  , Philippines  —  Isang driver ang kumpirmadong patay habang kritikal ang backrider nito makaraang mawalan ng giya ang kanilang sinasakyang motorsiklo at bumangga sa isang tambak na buhangin sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Sabang, Naic, ng lalawigan kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay ang driver ng motorsiklo na si  Freddie  Flores, 39, may-asawa ng  B59 L4 P2, Brgy. Lankaan 2, Naic habang kritikal at hindi pa nagkakamalay ang hindi kilalang backrider nito.

Sa ulat, alas-10:45 ng gabi habang  magkaangkas ang dalawang biktima sa Motorstar Well 125 at bumabagtas sa nasabing lugar nang bigla silang mawalan ng kontrol sa manibela. Tuloy-tuloy na sumalpok ang motorsiklo sa  nakatambak na buhangin sa may gilid ng kalsada sanhi upang lumipad kasama ang mga sakay nito bago humataw pabagsak sa sementadong kalsada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with