^

Probinsiya

Mag-asawa pinugutan ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng mag-asawang sibilyan makaraan silang pugutan ng ulo ng hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Basilan nitong Huwebes.

Sa ulat ni Basilan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Nickson Muksan, nangyari ang pamumugot ng ulo sa mag-asawa dakong alas-4:30 ng hapon sa Sitio Bakahan, Brgy. Mahatalang, Sumisip na sinasabing balwarte ng ASG.

Ayon sa opisyal, isang mataas na opisyal ng militar ang nag-ulat sa kanilang tanggapan nang nadiskubreng pamumugot ng ulo sa mga biktima.

Kinilala ng isang opisyal ng militar na tumangging magpabanggit na pangalan ang pinugutang mister na si Ibrahim Kituh, kapatid ng isang Abu Sayyaf member na si Naim Kituh. Hindi naman natukoy sa ulat ang pagkakakilanlan sa napugutang misis ng biktima.

Isang Cafgu member na kinilalang si Abdul Wahab ang nakatagpo sa napugutang mag-asawa.

Lumilitaw na rido o clan war ang motibo ng pamumugot sa mag-asawa na hinihinalang kagagawan ng armadong grupo o ang kalabang paksyon ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with