^

Probinsiya

5 magkakaibigan nalunod sa beach

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagsu-swimming sa beach ng isang grupo ng magkakaibigan makaraang malunod ang lima sa kanila sa karagatan ng  Lianga, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ronald Baghucan, 19-anyos; Fernando Besing, 24; Alvin Almosera, 19; Roland Lagata at Joseph Cajuto, 34, pawang mga residente ng Brgy. Santiago, San Luis, Agusan del Sur na nagkayayaang mag-swimming sa isang dinarayong beach resort sa Brgy. Payasan, Lianga.

Sa ulat ng Caraga Police, sinabi ng nakaligtas sa insidente na si Dalman Handogon na bandang alas-2 ng hapon nang magkayayaan sila ng kanyang mga kaibigan na maligo sa nasabing beach resort.

Gayunman, habang naglalangoy sa dagat, isa sa mga biktima ang napagawi sa malalim na bahagi ng karagatan sanhi ng ma­lakas na alon. Samantala, tinangka ng kanilang apat na kasamahan na sagipin ang nalulunod na biktima pero pare-pareho silang nilamon ng dagat matapos na magkapitan habang nasa tubig.

Ang mga biktima ay pawang nasa impluwensya ng alak nang mangyari ang insidente. Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa kasong ito habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with