^

Probinsiya

P125-M cocaine nasamsam sa dagat

Pilipino Star Ngayon
P125-M cocaine nasamsam sa dagat

Iprinisinta kahapon sa media ni Chief Supt. Antonio Gardiola Jr., regional director ng PRO5, PDEA-5 Regional Director Christian Frivaldo at PNP Crime Laboratory-5 Regional Director Sr. Supt. Solomon Sesgundo ang narekober na P125-milyong halaga ng cocaine sa baybayin ng Juag Lagoon sa Brgy. Calintaan, Matnog, Sorsogon kamakalawa.
 

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Aabot sa P125-milyong halaga ng cocaine ang narekober ng Sorsogon Police matapos na makuha ng isang residente ang may 25 pakete ng droga habang hinahampas ng malalaking alon sa baybayin ng Juag Lagoon sa Brgy. Calintaan, Matnog, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Chief Supt. Antonio Gardiola Jr., regional director ng PRO-5, dakong alas-5:30 ng hapon nang matagpuan ni Robert Galvez ang isang kulay asul na plastic container na may lamang 25 pakete ng cocaine na nababalutan ng packaging tape.  Agad niyang ipinagbigay-alam sa Matnog Police na mabilis na rumesponde sa lugar at narekober ang ipinagbabawal na droga.

Sinabi ni PDEA-Bicol Regional Director Christian Frivaldo na sa ginawa nilang la­boratory test, kinokonsiderang “high grade” ang nakuhang cocaine kung saan bawat pakete ay nagkakahalaga ng P5-milyon at nasa P25 milyon ang kabuuang street value.

Nauna rito, isang dayuhang cargo vessel M/V Jing Ming 16 ang nabalahaw at nag-emergency docking noong Enero 2, 2018, may 300 metro ang layo sa baybayin ng Brgy. 2 Poblacion, Pambujan, Northern Samar sa gitna na rin ng masu­ngit na panahon sa nasabing rehiyon. Dito, nasagip ng mga nagrespondeng  tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 9 na tripulanteng dayuhan na kinabibilangan ng anim na Chinese, dalawang Hong Kong national at isang Taiwanese.

Hinihinala na nagmula sa naturang barko ang droga kung saan anim na crew ang iniimbestigahan.

Patuloy na sinusuyod ng mga pulis, PDEA at iba pang law enforcement agency ang karagatan at mga baybayin ng Matnog at karatig bayan dahil sa paniniwalang mayroon pang parehong droga na inanod sa karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with