^

Probinsiya

Mag-asawa pinugutan ng Abu Sayyaf

Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa pinugutan ng Abu Sayyaf

MANILA, Philippines — Namugot ng ulo ang bandidong grupong Abu Sayyaf sa baya ng Sumisip sa Basilan kahapon.

Ayon sa military source, pinatay ang mag-asawa sa Sitio Bacahan sa Barangay Mahatalang na kilalang lugar ng armadong grupo.

“The couple was killed; the husband was a brother of an Abu Sayyaf member,” sabi ng source na tumangging magpapangalan.

Nakilala ang mga biktimang sina Abdurahim Kituh at Nadzwa Bahitla na natagpuan ang mga katawan sa magkahiwalay na lugar.

Nakita ng mga awtoridad ang bangkay ni Bahitla malapit sa Ismael Elementary School sa Sitio Diangan, Barangay Mahatalang bandang 4:30 ng hapon kahapon.

Tatlong oras ang lumipas bago nakita ang bangkay ni Kituh.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na si Nahim Mustalim, half-brother ni Kituh, ang namuno sa pamumugot ng ulo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with