Maglolo tiklo sa indiscriminate firing
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ang maglolo matapos maaktuhang namamaril gamit ang Armalite rifle sa tabing ilog kahit tapos na ang pagdaraos ng Bagong Taon sa Barangay Cataggaman Viejo sa Tuguegarao City, Cagayan noong Miyerkules. Humihimas ngayon ng malamig na rehas ang mga suspek na sina Fernando Andal, 51, na umano’y dating sundalo ng Army at Barry Llanes, 19, ng Makati City.? Ayon kay P/Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City police station, dakong alas-10:50 ng umaga nang rumesponde ang pulisya kaugnay sa patuloy na pagraratrat ng maglolo.?Nasamsam sa mga suspek ang M16 Armalite rifle at mga bala habang aabot naman sa 104 piraso ng basyong bala ang narekober matapos ang insidente.
- Latest