7 sakote sa anti-drug operation
BULACAN, Philippines — Pitong drug suspek ang nasakote sa inilatag na anti-drug operation ng pulisya at Philippine Drug Enfocement Agency sa Barangay San Rafael IV, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jaime “Pusa” Alvarado, Marvin Padernal, Romeo Dacillo, Jerome Quibral, Jovito Fernandez, Raymond Fami, at si Leden Alimania. Sa police report na nakarating sa Camp Alejo Santos, naunang nasakote si Alvarado habang ang anim naman ay naaktuhan sa pot session. Nasamsam sa mga suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, at ang P500 marked money na ginamit sa operasyon.
- Latest