PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Misis dinedo habang nagluluto

QUEZON  , Philippines  —  Pinabulagta ang naglulutong misis sa loob ng kanyang bahay matapos itong saksakin ng hindi kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Cabuyao Sur, bayan ng Padrer Burgos, Quezon, kamakalawa ng hapon. Naliligo sa sariling dugo at may tama ng saksak sa leeg nang matagpuan dakong alas-2:30 ng hapon ang biktimang si Leonarda Manalo. Ayon kay P/Senior Insp. Reynaldo Belarmino, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang apong lalaki na nagluluto ng ulam para sa panang­halian. Gayunman, nang bumalik ang bata kasama ang kanyang mga magulang ay natagpuang patay ang biktima na nakahandusay sa kusina ng bahay. May mga ‘person of inte­rest’ na ang pulisya kaugnay sa nasabing krimen kung saan inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: