PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

83-anyos lolo todas sa salpok ng bike

CAVITE  , Philippines  —  Tigok ang 35-anyos na kawani ng banko makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa nakaparadang motorsiklo sa gilid ng kalsada sa Barangay Carsadang Bago 1, Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang biktimang si Zared Gutierrez Laudato ng nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 John Carlo Punzalan, nawalan ng kontrol ang biktima kaya sumalpok sa motorsiklo na pag-aari ni Vilma S. Hernandez, 30, ng Calumpang, Cavite City. Samantala, patay din ang 83-anyos na si Dante Gatchalian ng Aguinaldo Street sa Barangay11 Sta Cruz, Cavite City makaraang masalpok ng motorsiklo habang tumatawid sa Cavite Blvd sa nasabing barangay. Nasakote naman ang driver ng motorsiklo na si Salvador Espenido Jr, 49, ng  #215 San Juan Street sa nabanggit na barangay kung saan nakatakdang kasuhan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: