PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Senglot nanghuli ng paniki, nautas

MANILA, Philippines — Namatay ang 42-anyos na magsasaka makaraan itong  mahulog sa may 10- talampakang taas na kuweba habang nanghuhuli ng paniki sa kagubatan ng Barangay Libuton, bayan ng Manukan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Vicente Cabalida ng Sitio Tigbakan sa nasabing barangay. Base sa report ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, huling namataang buhay ang biktima na naglalakad patungo sa direksyon ng nasabing kuweba. Sinasabing nasa impluwensya ng alak ang biktima na mag-isang pumasok sa kuweba sa kagubatan ng nasabing lugar upang manghuli ng paniki na gagawin nitong pulutan sa inuman. Malaki naman ang posibilidad na nawalan ng balanse ang biktima sa panghuhuli ng mga paniki kaya nahulog ito sa malalim na bahagi ng kuweba. Ang bangkay ng biktima ay narekober kinaumagahan matapos itong sundan ng kaniyang mga kamag-anak sa pinasok na kuweba.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: