PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mt. Pulag isinara dahil sa temperatura

Ayon kay Jomar Du­ma­ng-ag, local na turista sa bayan ng Villaverde, hindi na umano sila pinatuloy ng mga opisyal ng Mt. Pulag National Park and Protected Area na umakyat sa summit matapos maitala sa 8 degrees Celsius ang temperatura sa nasabing lugar kamakalawa. Jojo Nicdao, File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —  Dahil sa pagbagsak ng temperatura ay pansamantalang isinara sa mga turista at manlalakbay ang tanyag na Mt. Pulag na nasa pagitan ng Benguet, Ifugao at Nueva Vizcaya.

Nabatid na patuloy ang pagbaba ng temparatura sa nasabing bundok at iba pang bahagi ng Cordillera.

Ayon kay Jomar Du­ma­ng-ag, local na turista sa bayan ng Villaverde, hindi na umano sila pinatuloy ng mga opisyal ng Mt. Pulag National Park and Protected Area na umakyat sa summit matapos maitala sa 8 degrees Celsius ang temperatura sa nasabing lugar kamakalawa.

Ipinaliwanag umano sa kanila na posibleng mas malamig pa sa mismong summit o sa pinakamataas na bahagi ng bundok kaya pansamantala munang ipinagbawal ang pag-akyat ng mga hikers para sa kanilang kaligtasan.

Ang tugatog ng Mt. Pulag na mararating sa pamamagitan ng Babadak Trail at Ambangeg Trail o via Nueva Vizcaya para sa mas mahirap na hiking ay dinarayo ng ibat-ibang lokal at international tourists para matunghayan ang ‘sea of clouds’ at para madama kakaibang lamig ng temperatura kahit sa panahon ng tag-init.

Samantala, naitala naman ang 7 degrees Celsius na la­mig sa bayan ng Barlig sa Mountain Province na inaasahang pang bababa ito tulad ng mga nakaraang taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nababahala naman ang mga hardinero sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera sa posibleng pagkamatay ng mga pananim sakaling patuloy ang pagbaba ng temperature na magdudulot ng labis na lamig ng panahon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: