PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Desperadong mister ginilitan ang sarili

BULACAN, Philippines — Pinaniniwalaang problema sa sarili at pamilya ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na mister matapos nitong gilitan ang sarili sa kanilang bahay sa Barangay Dampol 2nd B sa bayan ng Pulilan, Bulacan noong Lunes ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Good Shepherd Hospital ang biktimang si July Esguerra ng nabanggit na barangay. Ayon sa police report natagpuan ang duguang katawan ng biktima sa kusina ng kanilang bahay bandang alas-6:30 ng gabi. Nabatid na huling namataang buhay ang biktima na hinahasa ang kutsilyo na sinasabing ginamit sa suicide nito. Wala namang palatandaang may foul play na naganap at pumirma na rin ng waiver ang mga kaanak kung saan tumanggi na isailalim sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: