PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Senglot niratrat sa ingay ng motorsiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sugatan ang 27-anyos na senglot matapos itong ratratin ng kagawad na nabulabog sa pagrerebulusyon ng maingay niyang motorsiklo sa Barangay Pinoma, Cauayan City, Isabela noong Lunes ng tanghali. Isinugod sa pribadong ospital ang biktimang si Joey Fabros dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan mula sa baril ng suspek na si  Kagawad Joseph “Erap” Estrada, 52, kapangalan ng dating Pangulo ng bansa. Lumalabas sa imbestigasyon na kinumpronta ng suspek ang biktima na nagrerebolusyon ng motorsiklo sa gitna ng kanilang laklakan sa tapat ng  tindahan. Gayunman sa halip na itigil ang pagrerebolusyon ay lalo pang hinataw ng senglot ang kanyang motorsiklo kaya siya niratrat ng suspek na mabilis namang tumakas. Nadakip sa follow-up operation ang suspek subalit nabigo ang mga pulis na marekober ang ginamit nitong baril.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: