PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bike vs bike: Dalagita utas

BULACAN, Philippines — Patay ang 16-anyos na dalagita makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Barangay San Roque, bayan ng Baliwag, Bulacan noong Lunes ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Sagrada Hospital ang biktimang si Allysa Villesis ng Barangay Santa Barbara habang ginagamot naman sa ospital ang kasamang drayber na si King John Rick Bautista, 20, ng Brgy. Pasumaloc sa nasabing bayan. Nakatakda namang kasuhan habang ginagamot sa Bulacan Medical Center ang isa pang drayber na si Jeffrey de Vera, 23, ng BDP Redcross Village sa Barangay Hinukay sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni SPO1 Wilfredo Candelaria, naitala ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kurbadang bahagi ng kalsada.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: