PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

342 pamilya apektado ng tubig-baha

Pinagtutulungang isalba ng dalawang trabahador ang mga materyales sa paggawa ng walis tingting makaraang anurin ng tubig-baha na nanalasa sa Barangay Paknaan sa Mandaue City, Cebu dahil sa pag-apaw ng tubig sa Butuanon River. Freeman News Service

NORTH COTABATO, Philippines — Umaabot sa 1,473 na residente katumbas ng 342 pamilya ang apektado na ng pagbaha dulot ng Bagyong Agaton sa Northern Mindanao, partikular sa Misamis Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Dahil dito, puwersahang pinalikas ang mga residente patungo sa iba’t-ibang evacuation center mula sa mga bayan ng Kinoguitan, Sugbongcogon, Talisayan, Claveria, at sa El Salvador City.

Gayunman, ibinaba na sa orange code ang buong lalawigan epektibo kahapon ng madaling araw.

Samantala, pinapanatili naman ng alkalde ng Ca­gayan de Oro City sa yellow code.

Ito’y kahit umiwas na ang direksyon ng bagyo sa lokasyon ng Northern Mindanao kung saan kabilang ang Cagayan de Oro City.

Ayon sa hepe ng Emer­gency Operation Center na si Sol Mosqueda, aabot sa 200 residente na ang nagsilikas dahil sa banta ng pagbaha.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nanatili naman ang ilang pamilya sa evacuation centers sa mga Barangay Cugman, Carmen, Puerto, at sa Barangay Bonbon sa nasabing lungsod.

Samantala, apektado rin ang mga residente sa mga Barangay Bagong Silang, Barangay Santiago, Barangay Tibanga, Barangay Saray, Barangay Santo Rosario, Barangay Del Carmen, Barangay San Miguel, at sa Barangay Villa Verde sa Iligan City dulot ng Bagyong Agaton.

Magugunita na apektado rin ang Northern Mindanao sa hagupit ng Bagyong Vinta kabilang na ang Iligan City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: